Deutsch Espanol Francais Italiano Portugues Japanese Korean Arabic Russian

Zhengzhou Junhua Machinery Equipment Co.,Ltd

Facebook
Twitter
Youtube
LinkedIn
Pinterest

Zhengzhou Junhua Machinery Equipment Co.,Ltd

+86-18039359711    +86-18039359711     junhua@junhuamachinery.com

  • Home
  • About us
  • Products
    • Concrete Pump
    • Concrete Pump with Mixer
    • Concrete Mixer
      • Twin Shaft Concrete Mixer
      • Planetary Concrete Mixer
      • Sicoma Mixer
    • Self Loading Concrete Mixer
    • Mobile Concrete Batching Plant
    • Concrete Mixer Truck
    • Skip Hopper Stationary Concrete Batching Plant
    • Mobile concrete batching mixing plant with drum mixer
  • Blog
  • Download
  • Global case
  • Customer care
    • Warranty policy
    • Customer Service
  • Contact us

Blog

  1. Home
  2. Blog
  3. Mga Pangunahing Kaalaman Tungkol Sa Self...

Mga Pangunahing Kaalaman Tungkol Sa Self-Loading Concrete Mixer

Ano ba ang Self-Loading Concrete Mixer?

Self Loading Concrete Mixer-junhua

Ang Self-Loading Concrete Mixer ay isang makina na mayroong kakayahang kargahan ang sarili nito ng aggregates (buhangin, semento, bato, atbp.), haluin at timbangin ang kongkreto, gamitin pang transportasyon, at maari rin itong dalhin sa kahit anong proyekto na nais na pag gamitan. Samakatuwid, ito ay uri ng makina na nangangailangan lamang ng isang tao para patakbuhin. Madalas na ginagamit ang mga Self-Loading Concrete Mixer sa mga proyekto tulad ng kalsada, matataas na gusali, at iba pa. Sa artikulong ito, iisa-isahin natin kung paano gumagana ang isang Self-Loading Concrete Mixer at ang iba’t ibang bagay na kailangan mong malaman tungkol dito.


Mga parte ng isang Self-Loading Concrete Mixer

Loading System o Pangkarga. Gamit ang isang hydraulic shovel, kinakarga ang mga materyales para sa pagtimpla ng kongkreto sa mixer. Ang ibang mga gumagawa ng ganitong klaseng makina ay gumagawa ng uri ng hydraulic shovel na mayroong patalim upang magkaron ito ng kakayahang hiwain ang sako ng semento habang kinakarga sa mixer. Iba iba rin ang klase ng Hydraulic System ng mga Mixer na ito, depende sa kung gaano karaming semento ang kailangan sa proyekto.

Weighing System o Pangtimbang. Computerized ang paraan ng pagtitimbang ng nilalaman ng isang Self-Loading Concrete Mixer. Makikita ang eksaktong timbang gamit ang isang digital indicator at maari rin kontrolin ang pagtitimbang gamit ang espesyal na controls.

Mixing System o Panghalo. Tulad ng tipikal na Concrete Mixer, ang Self-Loading Concrete Mixer ay mayroon ring kakayahang maghalo ng buhangin, semento, graba, at iba pa, upang makagawa ng kongkreto. Ang mga materyales na ito ay ikinakarga sa drum na siyang iikot hanggang sa maabot ang ninanais na timpla ng kongkreto. Ang mixing drum na ito ay umaandar gamit ang isang malakas na uri ng makina.

Discharging System o Pangbuhos. Ang Discharging System ay nagbibigay ng kakayahan sa operator na ibuhos ang laman ng mixing drum sa iba’t ibang anggulo at taas. Maaring ibahin ng operator ang mga angulo upang sumakto ang pagbubuhos sa lugar kung saan kinakailangan ang kongkreto. Kadalasan, mayroong controls rin sa operator cabin para sa pag palit ng angulo ng mixing drum.

Wheel System o Pangtransportasyon. Ang Self-Loading Concrete Mixer ay maaring gamitin pang transportasyon tulad ng regular na truck. Dahil dito, maaring gamitin ito sa mga proyektong malalayo sa pabrika ng kongkreto o sa mga proyektong nasa probinsya. 4-wheel drive rin ang gamit ng mixer na ito kaya’t madali itong makakadaan kahit sa mga kalsadang hindi maganda ang pagkakagawa o mga daan na pataas.

Mga Importanteng Kaalaman Tungkol sa Paggamit ng Self-Loading Concrete Mixer:

1. Bumili mula sa mapagkakatiwalaang kumpanya.

Ang pagbili ng mga makinang tulad ng isang Self-Loading Concrete Mixer ay hindi biro dahil sa presyo nito. Malaking ang kapital ang kinakailangan upang makabili ng isa, kaya’t dapat siguraduhin na ang bibilhin na Mixer ay tatagal ng maraming taon at magagamit ng paulit ulit. Upang makasiguro sa kalidad ng makinang bibilhin, bumili lamang sa mapagkakatiwalaang kumpanya. Madalas rin na nagbibigay ng warranty o kasiguraduhan na pwedeng ayusin ang makina mo kapag ito ay nasira kung ikaw ay bibili sa certified dealerships.

2. Alamin kung mas sulit ang bumili ng bago o gamit na.

Hindi kinakailangan ng bago parati ang binibiling makina. Nakasalalay parin ang desisyong ito sa budget ng kumpanya mo para sa pamumuhunan sa mamahaling gamit. Kung nagsisimula pa lamang ang kumpanya at kailangan talaga ang ganitong makina, mas mabuting bumili muna ng gamit na basta’t siguraduhing nasa maayos parin itong kondisyon. Kung mayroong naitabing mas malaking pera, maganda ring bumili ng bago o brand new dahil maari naman itong parentahan sa ibang mga kumpanya kung hindi ito ginagamit. Mayroon ka nang bagong makina, mayroong ka pang bagong paraan para kumita.

3. Panatilihing maayos ang takbo at temperatura ng bawat parte ng Mixer.

Dahil ang Self-Loading Concrete Mixer ay binubuo ng iba’t ibang parte na may iba’t ibang gamit at proseso, may kanya kanya rin silang paraan upang panatilihing maganda ang takbo nito. Kailangan i-monitor ng isa isa ang mga ito batay sa nakasaad sa maintenance guide nito, dahil magkakahiwalay na sistema ang bawa’t isa. Kapag nasira ang isa sa kanila, maaring hindi na magamit ang buong Mixer. Kaya’t napaka importante na bantayan ang pag gamit nito at wag gamitin ng sobra sa kakayahan upang hindi masira at dumagdag pa sa gastusin ng proyekto na ginagalawan nito.

4. Linisin ang bawat parte matapos itong gamitin.

Ang mga materyales na gamit sa pag gawa ng semento ay maliliit at may malaking tsansa na ito’y sumiksik sa mga sulok ng makina. Dahil dito, importanteng panatilihing malinis ang makina matapos ito gamitin upang maiwasan ang paninigas ng semento sa loob nito. Kapag ang semento ay nanigas, maaring magkaron ng pagbabara sa mga sistema na umaandar sa Mixer. At pag nasira ang isang parte dahil sa pagbabara, hindi na magagamit ang buong Mixer. Napaka simple lamang ng paglilinis ng Self-Loading Concrete Mixer. Tiyak na mas simple kesa sa pagaayos ng sirang makina. Upang makatipid sa maintenance tulad ng nakasaad sa pangatlong punto, mas mabuti nang iwasan ang pagkasira ng makina, kaysa mag sisi kapag huli na ang lahat.

5. Malaking tipid ang pagkakaroon ng sariling mixer.

Lalo na sa malalaking proyekto, napakalaking gastos ang transportasyon. Sa pagkakaroon ng sariling Self-Loading Concrete Mixer, malaki ang matitipid sa transportasyon at malaki rin ang mababawas sa oras na kakainin nito sa schedule ng iyong proyekto. Maalis na ang oras ng paghihintay para sa pag hahatid ng kongkreto sa lugar ng iyong proyekto na madalas ay nauudlot ng ilang oras dahil sa trapik o sa mga di inaasahang problema tulad ng sira sa gulong o banggaan sa daan. Malaki rin ang tipid na dulot nito sa bayad sa mason dahil kaunti lang ang tauhan na kakailanganin para paandarin ito. Imbes na maubos ang oras ng mga mason sa paghahalo at pagbubuhat ng materyales pang semento, maari mo silang magamit sa ibang parte ng iyong proyekto. Ang perang matitipid mo ay maari mong gamitin sa ibang bagay tulad ng pagiipon sa puhunan ng isang bagong makina.


Related News

How Can We Clean a Concrete Pump Hose?

How Can We Clean a Concrete Pump Hose?

How to Maintain a Concrete Batching Plant.

How to Maintain a Concrete Batching Plant.

Concrete Mixer Users May Encounter These Problems In Concrete Construction

Concrete Mixer Users May Encounter These Problems In Concret

Tips You Should Know About Self Loading Concrete Mixer

Tips You Should Know About Self Loading Concrete Mixer

Concrete batching plant layout plan

Concrete batching plant layout plan

Drum Mobile Concrete Batching Plant

Drum Mobile Concrete Batching Plant

Product Categories

  • Concrete Pump
  • Concrete Pump with Mixer
  • Concrete Mixer
    • Twin Shaft Concrete Mixer
    • Planetary Concrete Mixer
    • Sicoma Mixer
  • Self Loading Concrete Mixer
  • Mobile Concrete Batching Plant
  • Concrete Mixer Truck
  • Skip Hopper Stationary Concrete Batching Plant
  • Mobile concrete batching mixing plant with drum mixer

Links

Google.comBaidu.comBingWikipedia

concrete pump

Navigation

  • About us
  • Contact us
  • Download
  • Customer care
  • Warranty policy
  • Customer Service

Products

  • Skip Hopper Stationary Concrete Batching Plant
  • Self Loading Concrete Mixer
  • Concrete Pump
  • Concrete Pump with Mixer
  • Concrete Mixer

 

  • Mobile Concrete Batching Plant
  • Mobile concrete batching mixing plant with drum mixer

Contact Us

+86-18039359711

+86-18039359711

junhua@junhuamachinery.com

Block 3,No.20,Zhongyuan Road, Zhongyuan District, Zhengzhou City, Henan Province, China

Copyright © 2013-2020 zhengzhou junhua machinery equipment co., ltd All Rights Reserved.

  • Skype.
  • E-mail
  • Whatsapp
  • Inquiry